1986 nung naranasan nang bansa ang isang malawakang pagkilos upang wakasan ang diktaturyang naghari harian sa loob ng dalawampung taon. Diktaduryang kumitil nang mga buhay, kalayaang pinagkait ng mahabang panahon. Kaya nga siguro nung nakahanap ang mga Pilipino nang pagkakataon upang makalaya, madami agad ang sumunggab sa oportunidad upang makapag simula nang isang malawakang pagbabago. Isang makasaysayang pagkilos na umukit ng kasaysayan hindi lamang sa bansa, ngunit pa din sa iba't ibang panig ng mundo.
Ngunit ano ba talaga ang tunay na kalayaan? Ito ba ay kalayaan mula sa mga nanakop? Ito ba ay kalayaan sa maduming kapangyarihan na patuloy na bumalot sa bawat isa? Ano ba talaga ang kalayaan sa isang bansa? Lahat ng ito ay importanteng matandaan. Ngunit ang mainam ata na tanong ay, Malaya na ba talaga tayo?
Taong 1946 nung unang nakalaya sa gapos ng panananakop ang bansa. Marahil ay maraming pilipino ang nagbunyi at natuwa dahil sa wakas, malaya na tayo sa bansa nanakop. Daan daan din ang taon na ating inasam asam ang kalayaang sa wakas ay nakamtan.
Makalipas ang mga buwan, taon at henerasyon, marahil eto na ata ang perpektong pagkakataon upang ating matanong kung tayo pa ba ay malaya? Kung oo, hanggang saan ang sakop ng ating kalayaan? Hanggang kailan ang ating tinatamasang kalayaan? Basa sa kasaysayan, ilang ulit nang nangyari na tayo ay lumaya ngunit kalauna'y nagapos din.
Sa kabilang banda, Maaari rin namang, hindi na tayo malaya. Tayo ay muling nagapos ng isang kaaway na hindi natin nakikita? Teka, hindi nga ba? O hinda kaya'y, marami sa atin ang naging bulag sa nangyayari sa ating kapaligiran? Hindi kaya, pinili nating huwag pakinggan ang iyak ng mga biktima ng kagapusan?
Nawa po ngayong araw ng kalayaan, piliin nating maging malaya hindi lamang tayo, pati na rin ang mga indibidwal na ating nakakasama. Piliin at ipaglaban natin ang kalayaang matagal na inaasam asam. Piliin nating magsalita para sa kalayaan ng kapwa natin. Piliin natin ang kalayaan.
Ating pong alalahanin na ang laban ay hindi Pilipino sa Pilipino. Ngunit ang tunay na laban para sa kalayaan ay, tayo kasama ang Diyos laban sa kagapusan ng kahirapan, kurapsyon at iba't ibang mga bagay na sumira sa atin sa nakaraan. Ipananalangin natin sa Diyos na tayo ay makalaya sa bawat gapos sa ating bansa, Sumasagot Siya. Ilapit natin ang ating bansa Sa Diyos upang tayo ay makalaya sa bawat gapos na patuloy na sumisira sa ating pagkakapabuklod buklod. Sumasagot Siya.
Kalayaan para sa lahat!!!
Kampai!!!