Bata pa ako ng magsimula ang tatay ko na mag trabaho sa abroad. Nag simula sya sa Sri Lanka, napunta sa Korea hanggang ngayon ay nasa China na sya nag trarabaho. Siyempre nung bata ako hindi kopa naiintindihan kung bakit nya kailangan umalis.
Malungkot ang pakiramdam ko noon. Ang saya sa pakiramdam tuwing umuuwi sya at magbobonding kami tuwing bakasyon nya. Sa kabilang banda, ang lungkot naman kapag bumabalik na sya sa ibang bansa upang magtrabaho.
At sa mahabang panahon, gayon nga ang naganap. Uuwi sya sa Pinas at makalipas lamang ng ilang araw ay babalik na ulit sa ibang bansa. Unti unti kong naintindihan bakit nya kailangan umalis, para mag trabaho. Unti unti din, nasanay na ako sa ganong sitwasyon at ang dating nalulungkot na puso ko tuwing umaalis sya, siguro naging manhid na kaya wala na akong naramdaman.
Hindi naman ako galit kay papa, ngunit hindi rin ako malungkot dahil na din siguro naintindihan ko bakit nya kailangan umalis. Nasanay na ako na tuloy ang buhay kahit nasa ibang lugar sya. Wala lang. Pasalamat na lang talaga ako may Facebook at Email na at nakakapagusap pa din kami.
Tuwing nakikita ko mga facebook posts nya, lagi syang nakacheck in sa iba't ibang bansa, ayun kasi parte ng trabaho nya bilang manager sa isang kilalang bag ng maleta. Kailangan nya mag punta ng factory ng kumpanya nila upang tignan ang problema sa naturang factory. Ako naman,bilang isang taong gala, tuwing nakikita ko ang mga check ins nya sa facebook ay naiinggit ako. Pangarap ko kasi yun, ang mag punta sa iba't ibang lugar.
Hanggang sa nag stay ako sa kanya sa Shekou ShenZhen China ng dalawang buwan. Napaka convenient nito kasi dalawang oras lamang ang layo mula sa Pilipinas via Hong Kong. Dito ay nakisalamuha ako hindi lang sa kanya kundi sa Filipino community doon. Marami akong nakilalang pinoy, iba't ibang pinanggalingan mula sa Pinas, iba't ibang kwento. Marami man silang naging pagkakaiba ngunit kung ibubuod ko ang pag kakapareho nila sa isang pangungusap,yun ay "kailangan nila magtrabaho para sa pamilya".
Masasabi ko na may pro's and con's ang pagiging OFW nila doon. Sa pro's muna tayo,
1. Kultura
- Bilang nasa ibang bansa, syempre kailangan nila mag adjust para makibagay sa mga tao dun.
2. Nakakagala sila
- Bilang nasa ibang bansa, nalalaman nila ano nga ba ang meron ang bansang ito na wala sa Pilipinas
3. Mga tao
- itong mga tao,50/50 ito na napabeneficial, depende sa ugali ng tao. Nakakahalubilo sila ng mga intsik, Indian, American at kung anu ano pa
Sa mga Con's naman
1.Malayo sa Pamilya
- Marami sa mga OFW ang no choice kundi mamuhay ng malayo sa pamilya nila dahil kailangan nila mag trabaho.
2. Akala ng mga tao mayaman sila
- Pero hindi, oo malaki kinikita nila pag cinoconvert sa piso, pero kung tutuusin kasi pareho lang ang pamumuhay nila sa Pilipinas at sa China.Siyempre iba naman ang presyuhan doon at iba rin ang sa Pilipinas kaya quits lang.
3. Wala sa mga okasyon
- Bilang no choice kundi malayo sa pamilya upang magtrabaho, wala sila madalas sa mga okasyon. Mapalad na nga ang 21st Century dahil sa may internet na. Dati, pag sulat sulat lang eh ang tagal tagal pa dumating. Kaya ngayon mabuti may internet na kasi kahit papano nakakasama pa din sila sa okasyon sa Pilipinas
Marami pa yang mga con's ngunit hindi ko na palalawakin pa,baka kasi mapanghinaan ng loob ang mga nagbabalak na mangibang bansa.
Kaya ko lang naman ginawa tong blog dahil gusto ko lamang parangalan ang mga katulad ng tatay kong OFW. Proud ako sa inyo.
KAMPAII!!!